Captain Barbell

Wednesday, May 24, 2006

Captain Barbell Costume, ibabalik sa hollywood?

Kuwento mismo ng mga kasamahan sa panulat na dumalo sa grand presscon ng bagong telefantasyang Captain Barbell ni Richard Gutierrez na ‘nabitin’ sila sa actor nung isuot niya ang nabanggit na CB costume dahil sandali lang daw ito at ayaw pang pakunan ng malapitan ang costume.

May nakapagbulong naman sa amin na kaya raw ang tagal nag-umpisa ng presscon ay dahil ang tagal daw pinag-isipan ni Richard kung isusuot ang nabanggit na costume dahil nga asiwa siya, medyo maluwag sa bandang stomach na kapag pinindot ay malambot at delikado sa fight scenes. May nagsabi rin na kaya nagmukhang maluwag ang naturang costume ay dahil may pampalamig sa loob at naringgan din daw ang bida ng CB na ibabalik ang costume niya sa Amerika para ayusin dahil nga maluwag.

At gaano rin katotoo na napilitan lang daw isuot ng actor ang costume niya nu’ng nag-guest ito sa SOP last Sunday dahil sa pakiusap ng GMA management? Anyway, anuman ang problema ni Richard sa CB costume niya ay guwapung-guwapo pa rin ang lahat, lalo na ang mga kasamahan sa panulat na bading, dahil sa lower part ng stomach ng actor sila nakatingin.

SOURCE: Article by Reggee Bonoan of Philstar

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home